-- Advertisements --

Labing-tatlong indibidwal ang inaresto ng pulisya dahil sa umano’y iligal na pagmimina sa Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina George, Wane, 32; Noli, 24; Jeremy, 25; Jeffrey, 26; Molly, 55; Don, 22; Jessie, 18; Jess, 18; Ian, 18; Kima, Ariel, at Nemy.

Isinagawa ang operasyon kasunod ng impormasyon hinggil sa illegal mining activities sa lugar na nagresulta sa pagkakahuli sa mga ito na aktong nagdadala ng mineral.

Nakuha mula sa kanila ang 500 bag ng ore na tumitimbang ng humigit-kumulang dalawang tonelada at dalawang sasakyan.

Dinala ang mga suspek at mga ebidensya sa Bagabag, Nueva Vizcaya Police Station.

Nakipag-ugnayan naman ni Police Col. Camlon P. Nasdoman, hepe ng Nueva Vizcaya police sa Provincial Environment and Natural Resources Office para sa dokumentasyon ng mga ebidensya.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang mga suspek.