Pinirmahan na ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang government to government procurement para sa 13,000 basic assault rifles na bibilhin ng PNP sa bansang Israel nuong December 29,2020.
Ang pagbili ng PNP ng mga dagdag na armas ay bahagi ng pagpapalakas ng kanilang fighting capability para sa kanilang law enforcement operations.
Ayon kay PNP Directorate for Logistics Director MGen. Angelito Casimiro nasa mahigit P1.1 billion pondo ang inilaan ng PNP para sa procurement ng mga armas na kinabilangan ng 9mm striker fired pistol, 5.56mm basic assault rifle, cal 50 heavy machinegun at 7.62mm light machine gun.
Ayon kay Casimiro sa ngayon nasa 15 items ang na procured PNP kung saan 13 ang nakatakdang ideliver.
Dalawa naman ang for issuance of notice to proceed ang government to government procurement ang 13, 457 units ng 5.56 mm basic assault rifles at 20 units ng 7.62mm light machine gun.
Aniya, para sa 13,000 M ton rifles naimpormahan na sila ng supplier na nakatakda ang first pre-delivery inspection at ang unang tranche ay idedeliver sa buwan ng Disyembre at sa taong 2022 ang complete deliveries ng mga armas.
Hinihintay na lamang din ng PNP ang delivery dates ng supplier para naman duon sa 12,000 at 4000 IWI rifles.
Iniulat din ni Casimiro na malaking tulong din sa PNP ang donasyong 25 dragunov sniper rifles na bigay ng China.
Ang mga nasabing sniper rifles ay nagamit pa ng mga SAF troopers nuong kasagsagan ng Marawi siege at hanggang ngayon ay nagagamit pa ng kanilang sniper team.
Asahan na rin na gagamitin na ng PNP sa kanilang anti-illegal drug operation ang mga binili nilang nasa 2, 686 body cameras na nagkakahalaga ng P289-Million.
” The body cams, 2 phases po ang acceptance. The first phase was the delivery of the hardwares and the testing kinonduct natin last year and natapos na yung first phase. The2nd phase is yung rollout to the different police stations, provincial offices and regional offices. So may configuration na gagawin sa computers and sa bodycams and to check on the water marks niya and right now for NCRPO kumpleto na yung 44 sites niya and we are planning with the DO sa training and we will be inviting media with PIO dito sa NCR para you can witness kung ano system na sinasabi nila sa body cams. How it is being used, protocols na sinet ng DO natin and paano yung pag log niya papunta sa docking station and paano po yung pag inventory ng videos. 8 po yung body cam na gagamitiun at anytime, 4 po doon ang may SIM cards and yung other 8 will be being charged doon sa station and may connectivity po siya by fiber optic with PLDT para po yung video will be uploaded dito sa PCC na server. Finalize pa po ng DO yung protocols on the presentation ng mga videos for evidence po sa court. Kung sino po magpipresent at kung sino po yung mga expert witness natin during court proceedings in relation sa privacy law rin natin,” pahayag ni MGen. Casimiro.