JOLO, SULU – Buong puwersang nagsama-sama sa Jolo,Sulu ang nasa 13,000 mga residente para sa isang grand assembly na inorganisa ng Moro National Liberation Front (MNLF) bilang suporta sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ang assembly ay isinagawa apat na araw bago ang plebisito para sa BOL.
Dumalo sa grand assembly sina National Security Adviser Hermogenes Esperon, Interior Sec. Eduardo Año, Defense Sec. Delfin Lorenzana, at Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Carlito Galvez.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, pinadala sila ng Pangulong Rodrigo Duterte para ipakita ang suporta sa mga Suluanos para sa gagawing plebisito.
Bagamat sinasabing “overwhelming” ang “yes to BOL,” ilang pulitiko din ang ayaw mapabilang rito.
Sa panig ng Joint Task Force Sulu at Commander ng 11th Infantry Division na si Col. Divino Rey Pabayo, nakalatag na ang kaning security measures para sa okasyon.