BUTUAN CITY – Umabot sa 13 kabahayan ang na-abo sa sunog kanina sa may Purok 3, Brgy. Upper Doongan nitong lungsod ng Butuan na naka-apekto sa 16 mga pamilya.
Sa inisyal na pagsusuri ng Bureau of Fire Protection o BFP-Butuan, inihayag ni spokesperson FO2 Sheila Marie Gultiano na P120,000.00 ang inisyal na danyos na kanilang naitala dahil gawa sa mga light materials ang naturang kabahayan.
Kanilang natanggap ang fire call pasado alas-12:30 at narespondihan kaagad pagkalipas ng 5-minuto hanggang kanilang nakontrola ang apoy pasado ala-1:30 na ng hapon.
Na-antala ang ilang overhauling dahil karamihan sa mga itinambak ay mga combustible materials gaya ng karton, papel at iba pa hanggang sa nadeklara ang fire out pasado alas-3:33 na ng hapon.
Dagdag pa ng opisyal, kasama sa kanilang kinokonsiderang sanhi ng sunog ay ang faulty electrical wiring, itinapon na sigarilyo at na-magnify na init ng araw na tumama sa karton.