-- Advertisements --

LA UNION – Umaabot sa 13 mga tao ang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan matapos ang karambola ng limang behikulo na kanilang sinakyan.

Nangyari ang aksidente sa kahabaan ng national highway partikular sa sakop ng Barangay San Benito Norte, Aringay, La Union bandang alas 6:20 ng umaga kahapon, Abril 21.

Ang mga behikulo na kabilang sa aksidente ay kinabibilangan ng :

V#1 (Nissan navara) minaneho ni Jose Ma. Carlo de Guia, 31, may asawa, residente ng Paranaque City
V#2 (Toyota hi-ace) minaneho ni Victor Villanueva Jr. 41, may asawa, residente ng Barangay Nazareno, Agoo,La Union
V#3 (Toyota innova) minaneho ni Ronie Cabreles, 47, may asawa, residente ng Quinarayan, Narvacan, Ilocos Sur
V#4 (Mitsubishi adventure) minaneho ni Johny Rae Soliman, 24, residente ng Sta Cruz, Makati City at
V#5 (Toyota fortuner) minaneho ni Nito Tabuige, 42, may asawa, residente ng Urbiztondo, Binondo Manila.

Napag-alaman ng Bombo Radyo La Union mula kay Pol. Major Daniel Banan, kasalukuyang hepe ng pulisiya sa Aringay, La Union na habang binabagtas ng V#5 ang kalsada patungong hilagang direksiyon at pagdating sa nasabing lugar, bigla nitong nabunggo ang V#1.

Sa lakas ng impact, nabunggo naman ng mga ito ang V#2 at V#3 na patungong timog direksiyon, at nahagip pa ang V#4 na lumiliko sa kaliwang bahagi ng kalsada.

Lahat ng mga pasahero at driver ay pare-parehong dinala sa Caba Distirict Hospital sa Caba, La Union at La Union Medical Center sa Agoo,La Union para sa medical treatment.

Sa 13 mga na-ospital, tatlo na lamang ang naiwan at inilipat sa ITRMC dito sa syudad ng San Fernando para sa kaukulang medikasyon.

Nakilala ang mga ito na sina: Emma Supnet, 53, may asawa; Felipa Cabrales, 61, walang asawa; at ang menor de edad na si Xymon Jerbi Blaza, 3-anyos.

Gayunman, nasa mabuti na umanong kalagayan ang mga ito.