-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Kusang sumuko sa mga otoridad ang 13 na mga kasapi ng communist terror group (CTG) sa probinsya ng South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Police Col. Jemuel Siason, provincial director ng south Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Siason, ipineresenta ang pagsuko nga mga ito sa South Cotabato Gym and Cultural Center sa lungsod ng Koronadal.

Ang naturang mga surrenderees ay bahagi ng Guerilla Front 72 at 73 na nag-ooperate sa ilang bahagi ng lalawigan.

Kabilang sa kanilang isinuko ay isang M-16 rifle na may dalawang magazine, submachine gun at magazine, M-1 Garand rifle at isang sniper rifle, kabilang na ang ilang improvised explosive device at mga indoctrination documents.

Nakatanggap ang mga ito ng tig-P10,000 mula sa provincial government, P10,000 mula sa PNP, P3,000 sa DSWD, at dagdag na P10,000 sa isinukong baril.

Ayon sa ilang mga surrenderers, pagod, hirap sa pamumuhay at takot ang pangunahing mga dahilan bakit nila napag-isipang bumaba at magbagong-buhay.