-- Advertisements --

Arestado ang 13 katao kabilang ang mga miyembro ng right-wing militia dahil sa tangkang pagdukot sa Democratic governor ng Michigan.

Sinabi ni Michigan Attorney General Dana Nessel, na isang seryosong banta ang tangkang pagdukot kay Governor Gretchen Whitmer.

Ayon kay US attorney for the western district of Michigan Andrew Birige, na anim na mga kalalakihan ay nahaharap sa federal charge dahil sa pagplano sa pagdukot kay Whitmer.

Dagdag pa nito na nagsagawa ng surveillance ang mga suspek at sinubukan pa ang improvised explosive device para maagaw ang atensyon ng mga otoridad.

Ang anim na karagdagang suspeks ay mga miyembro ng militia group na tinatawag na Wolverine Watchmen.

Si Whitmer ay makailang beses na inatake ni US President Donald Trump dahil sa ipinatupad nitong lockdown bunsod ng coronavirus.