-- Advertisements --

Aabot sa P68, 00 na halaga ng droga ang nasamsam ng mga otoridad habang 13 katao naman ang naaresto sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-7 nitong Sabado, Abril 10 sa isang construction site sa Brgy. Apas nitong lungsod ng Cebu.

Kinilala ang mga naaresto na sina Angel Candillada, 44 anyos na siyang nagpapatakbo umano sa bunkhouse na ginawang drug den; mga stay-in construction workers na kinabibilangan nina Jasper Mabitado, 24 anyos; Jaysson Candillada, 21 anyos; Clint Alferrs, 32 anyos; Jaime Zaspa, 41 anyos; Gregorio Donganciso, 27 anyos; Rogelio Baculi, 27 anyos; Pedro Respecio, 34 anyoa; Ronel Sereneo, 33 anyos; Jester Lozada, 32 anyos; Arnel Hermosa, 38 anyos ; Joeferson Denuyi, 27 anyos; at Abraham Estrella, 48 anyos.

Nakumpiska sa nasabing operasyon ang 163 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng aabot sa P68, 000.

Isinagawa ang pagsalakay matapos ang dalawang buwan na monitoring sa nasabing drug den.

Patuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kung may kaugnayan ang mga ito sa iba pang drug group.

Nakatakda namang sampahan ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.