-- Advertisements --

Nasa 13 katao ang nasawi kabilang ang pitong bata sa naganap na sunog sa tatlong palapag na gusali sa Philadelphia.

Ang nasabing bahay ay nai-convert na sa dalawang apartment sa Fairmount neighborhood.

Sinabi ni Philadelphia Deputy Fire Commissioner Craig Murphy na ito na ang pinakagrabeng nangyaring sunog sa kanilang lugar.

Umabot sa halos isang oras bago tuluyang maapula ang sunog.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.