-- Advertisements --

CEBU – Nagsagawa ng raid ang enforcement division ng Social Security System (SSS) sa 13 kompanya sa lungsod ng Mandaue sa Cebu.

Inihayag ni Atty. Alberto Montalbo, acting head ng SSS Central Visayas Division I, na nagpalabas sila ng show cause order para sa nasabing mga kompanya upang mabigyan ng 15 araw na ma-settle ang kanilang kontribusyon sa ahensya.

Ayon kay Montalbo, nilabag ng mga nasabing kompanya ang Republic Act No. 11199 o ang Social Security System Act of 2018.

Ito ay matapos na hindi nakapag-remit ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado at under-declared pa di’umano ang mga sweldo nito.

Una rito, marami nang natanggap na reklamo ang ahensya galing sa mga empleyado kaya pinadalhan ng SSS ng demand letter ang kompanyang pinagtatrabahuhan ng mga ito.

Kasama sa 13 kompanyang nironda ng SSS ay mga motor shop, food chain, general merchandise at photo shop.