-- Advertisements --
Hindi bababa sa labing tatlong lokal na pamahalaan sa Eastern Samar ang nagdeklara na ng state of calamity matapos na labis na maapektuhan ng bagyong Kristine.
Halos lahat sa mga ito ay lubog pa rin sa tubig baha dahil sa matinding mga pag-ulan na dala ng bagyo habang naitala rin dito ang mga insidente ng pagguho ng lupa.
Sa isang pahayag, sinabi ng OCD -Eastern Visayas, kabilang sa nasa ilalim ng state of calamity ay ang labindalawang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Eastern Samar at Calbayog City sa lalawigan ng Samar.
Ilan sa mga barangay na sakop ng mga LGU ay humupa na ang tubig baha.
Ayon pa sa ahensya , halos patapos na rin ang mga isinasagawang clearing operations sa mga apektadong mga lugar.