Patay ang 13 sundalo sa pambobomba sa military bus sa central Damascus sa Syria.
Nangyari ang bomb attack sa kasagsagan ng rush hour kung saan papasok ang mga tao sa trabaho at eskwelahan.
Dalawang explosive devices ang sumabog habang tinatahak ng military bus ang Hafez al-Assad bridge.
Ayon sa mga opisyal, isang terrorist blast ang nangyaring insidente kung saan planted ang mga bomba.
Nasa walong katao naman mula sa oposisyon ang hinihinalang napatay dahil sa shellfire ng mga sundalo.
Natagpuan naman ang ikatlong explosive device sa may tulay na nagawang madefused ng army engineering unit
Inaasahang madadagdagan pa ang death toll dahil ngayon maraming sugatan ang nasa critical condition.
Sa ngayon, hindi pa tukoy ang nasa likod ng naturang pag-atake subalit suspetsa ng ilan na ang Islamic State ang may kagagawan dahil sa pag-atake ng mga ito sa military vehicles sa bahagi ng eastern Syria ngayong taon.
Itinuturing na deadliest ang nangyaring pambobomba sa Damascus mula noong huling naganap na suicide attack na kagagawan ng jihadist roup Islamic State (IS) noong Marso taong 2017 kung saan nasa 31 katao ang namatay.