Halos lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ay nakapasa at nag comply sa direktiba ng Pang. Rodrigo Duterte ang paglilinis ng mga kalye o road clearing operations.
Itinuturing namang “succesful” ang nationwide road clearing.
kinumpirma ni DILG Sec Eduardo Año, 13 sa mga LGU sa Metro Manila ang highly compliant.
“We Congratulate the LGus for their commitment. Sa totoo lang, mahirap itong trabaho ng ito but despite this, we have achieved a resounding participation and compliance from a greater number of LGUs,” pahayag ni Sec. Ano.
Habang nasa 97 sa 1,245 local government units (LGUs) sa buong bansa ang bibigyan ng show cause order dahil sa non compliant o hindi ginawa ang kanilang trabaho.
Ayon sa kalihim bibigyan ng limang araw ang mga nasabing LGUs para magpaliwanag kung bakait wala silang ginawa sa at kung hindi katanggap-tanggap ang kanilang explanation sasampahan ng kaso ang mga ito sa Office of the Ombudsman.
Giiit ni Ano sa 97 LGUs na non- compliance 11 dito ay sa Region1, tig isa sa Region 1and 3, pito naman mula sa MIMAROPA, 10 sa Region 5, isa sa Region 6, 12 mula sa Region 7, siyam mula sa Region 8, 18 mula sa Region 9, 13 mula sa Region 10, tig tatlo naman mula sa Region 11, at 12 at tig apat mula sa Region 13 at CAR.
Tinukoy naman ni Ano ang 13 LGU sa NCR na may high compliance rating ay ang mga sumusunod: Manila, Caloocan, Las Pinas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Navotas, Paranaque, Pasay, Valenzuela, Pateros at San Juan.
Ang mga medium compliance rating ay ang Quezon City, Muntinlupa at Pasig at ang may low compliance rating ay ang Taguig.
Nasa 612 na mga kalye sa Metro Manila ang cleared.
” We all know that it would take more efforts to really improve the traffic situation in our country but this is a good start for the government. All major streets leading to major thoroughfares are now cleared , malaking bagay ito,” wika ni Sec. Ano.
Sa nationwide compliance nasa kabuuang 1,148 LGU ang nakapasa sa DILG validation, 497 sa medium compliance at 323 ang low compliance.
Kabilang sa mga highly compliant regions ay ang Regions 2,3,6,7 at CAR.
” Batay sa mga report mula sa 1,148 na mga LGU 6,873 mga kalsada sa buong bansa ang naibalik na sa publiko bunga din ng pakikiisa ng mga pamahalaang lokal sa mga lalawigan, lungsod at bayan sa bansa,” wika ni Sec. Ano.
Hinimok naman ni Ano ang publiko na ireport kapag may mga lugar pa ang hindi tumutugon sa utos ng Pangulo.