-- Advertisements --
Maguindanao del norte paeng

CENTRAL MINDANAO – Umakyat na sa 13 ang patay at may mga missing pa dahil sa epekto ng bagyong Paeng sa Maguindanao del Norte.

Ito ang kinumpirma ni Rapid Emergency Action on Disaster Incident (READI-BARMM) head Atty. Naguib Sinarimbo.

Sinasabing 10 sa mga nasawi ay mula sa Datu Blah Sinsuat Maguindanao del Norte, dalawa mula sa Sitio Dimapatoy, Brgy. Dinaig at isa mula Dalican Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nasawi umano ang mga biktima dahil sa matinding baha at landslide o pagguho ng lupa.

Patuloy ngayon ang monitoring at rescue operation ng READI-BARMM sa mga bayan na grabeng sinalanta ng kalamidad.