-- Advertisements --

Nasa 13 katao ang nasawi matapos ang pananalasa ng tornadoes sa tatlong estado ng US.

Apat ang nasawi ay mula sa Arkansas, dalawa sa Oklahoma at pito sa Texas habang mahigit 100,000 mga katao pa ang sugatan.

Dahil sa nasabing insidente ay maraming mga kabahayan at kalsada sa nasabing mga estado ang nasira.

Ayon naman kay Sheriff Ray Sappington ng Cook County, Texas, na kabilang sa nasawi ay dalawang bata na edad 2-anyos at limang taong gulang.

Maraming residente rin ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa nasabing tornado.

Nagpapatuloy ang ginagawang pag-search ng mga otoridad habang inilikas na ang ilang mga residente sa ligtas na lugar.

Ayon sa National Weather Service, na bagamat patungong silangan na ang nasabing bagyo ay nagbabala pa rin ng matinding pag-ulan.