-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tumaas pa ang bilang ng mga myembro ng New Peoples Army (NPA) na sumuko sa militar at pulisya sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Bago lang ay umaabot sa 13 na mga NPA ang sumuko sa tropa ng 601st Brigade Philippine Army.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,pampasabog,mga bala at mga magasin.

Kumikilos ang mga rebelde sa hangganan ng Maguindanao at Sultan Kudarat.

Nais nang magbagong buhay ng mga rebelde at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mga pamilya.

Nakatanggap rin ng inisyal na tulong ang 13 na NPA mula sa lokal na pamahalaan ng probinsya.

Hinikayat muli ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang ibang mga NPA na nagtatago sa kabundukan na bumaba na at sumuko dahil tutulungan sila ng gobyerno.