CAUAYAN CITY Pumalo muli sa 13 ang panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Santiago City.
Dahil dito umakyat na sa mahigit 4,200 na rin ang kabuoang bilang ng mga tinatamaan ng Virus sa Santiago City .
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa LGU Santiago, batay sa pinakahuling datos nasa 13 ang naidagdag sa talaan ng mga kataong tinamaan ng COVID-19 habang tatlo naman ang gumaling at isa ang namatay.
Sa kabuoang bilang ay umabot na sa 4,234 ang total confirmed case sa Lungsod, 4,088 dito ang naitalang gumaling na habang umakyat pa sa 114 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Lungsod.
Nasa 32 na active confirmed cases ng COVID-19 ang Santiago City kaya pinag-iingat pa rin ang publiko pangunahin na ang pagpapaalala sa palagiang pagtugon sa minimum health protocol.