-- Advertisements --

Nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19 ang 13 pasahero na dumating sa Amsterdam sa the Netherlands.

Ang nasabing mga pasahero ay galing sa dalawang flights mula sa South Afirca.

Kabilang ang mga ito sa 61 pasahero na nagpositibo sa COVID-19.

Nangyari ang pagkakadiskubre matapos ang ipinatupad na paghihigpit ng the Netherlands dahil sa pagkakadiskubre ng bagong variant ng COVID-19.

Ilan sa mga paghihigpit na ipinatupad ay ang pagsara sa mga cultural venues at ang paglimita sa mga pagtitipon.

Magugunitang unang nadiskubre ng World Health Organization (WHO) ang Omicron variant sa South Africa.