-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot na sa mahigit 4,000 ang naitalang kaso ng dengue sa Rehiyon 12 sa unang quarter nitong taon.

Ayon kay Department of Health (DoH)-12 Dengue and Measles Prevention Program Spokesperson Jenny Ventura, ang nasabing bilang ang mula sa monitoring ng kagawaran noong Enero hanggang Marso 30.

Mas mataas umano ito ng 178% kumpara sa 1,449 dengue cases sa Soccsksargen sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Inihayag din ni Ventura na nangunguna sa may pinakamaraming naitalong kaso ng dengue sa rehiyon ay ang North Cotabato na may 1,444 dengue cases, pangalawa ang South Cotabato na may 1,196, at pangatlo ang Sultan Kudarat na may 480 na kaso ng dengue.

Kinumpirma din ni Ventura na 13 na rin ang binawian ng buhay dahil sa dengue sa rehiyon kung saan pito sa mga ito ay mula sa North Cotabato at tigtatlo sa Sarangani at South Cotabato.

Sa ngayon, nanawagan ang DOH na maging malinis sa paligid upang makaiwas sa pagdami ng lamok na magdadala ng dengue.