-- Advertisements --

Nasa 13 katao ang nasawi matapos ang pagkahulog ng pick-up truck sa isang bangin sa Dehradun, India.

May lulan na 15 katao ang sasakyan nang ito ay mahulog sa bulubunduking bahagi ng northern India.

Galing ng Bayla village ang sasakyan at patungo ang mga ito sa Vikasnagar city sa Uttarakh state ng mangyari ang aksidente.

Agad na narekober ang mga bangkay ng biktima habang itinakbo sa pagamutan ang dalawang iba pang nasugatan.