-- Advertisements --

Nasa 13 katao ang nasawi dahil sa gas leak sa isang chemical plant sa southern India.

Galing sa LG Polymers plant sa visakhapatnam City sa Andrhra Pradesh state ang nasabing leak kung saan mahigit 800 katao ang dinala sa pagamutan.

Ayon sa mga doctors na sumuri na hirap sa paghinga at pananakit ng mga mata.

Pinalikas namna ng mga otoridad ang mga residenteng malapit sa nasabing planta.

Umabot naman sa ilang oras bago tuluyang makontrol ng mga otiridad ang nasabing leak.

Nagpatawag naman ng emergency disaster meeting si Indian Prime Minister Narendra Modi dahil sa pangyayari.