-- Advertisements --

Nasa 13 katao ang patay dahil sa landslide sa Myanmar.
Natabunan ang 16 na kabahayan sa eastern Myanmar bunsod ng ilang araw na walang tigil na pag-ulan.
Maraming mga residente naman ng Thae Pyar Kone ang lumikas.
Bukod sa mga nasawi ay itinakbo sa pagamutan naman ang 27 katao na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Maraming lugar din ang lubog sa tubig baha dahil sa pag-apaw ng tubig sa bayan ng Shwegyin sa Bago region.
Patuloy ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad sa nasabing lugar.