-- Advertisements --
Patay ang 13 katao matapos ang pagbangga ng naval boat ng India sa isang pampasaherong ferry sa Mumbai, India.
Ayon sa Navy na mayroong 99 na iba pa ang kanilang nailigtas mula sa lumubog ng ferry.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad ay nawalan ng kontrol ang Indian Navy craft habang ito ay nagsasagawa ng engine traials sa Mumbai Harbour dahil sa engine malfunctions.
Tumama ang speed boat ng Indian Navy sa pampasaherong barko na sanhi ng paglubog nito.
Patungo ang pampasaherong barko sa Elephanta caves na kilala na dinarayo ng mga turista sa karagatang bahagi ng Mumbai ng ito ay bumangga.