-- Advertisements --

Aabot sa 13 katao ang patay matapos na matabunan sa pagguho ng tatlong palapag ng gusali sa Western India.

Pinangangambahang hindi bababa sa 25 katao ang naipit at hindi nakalabas mula sa pagguho.

Ayon sa National Disaster Response Force (NDRF) umabot sa 20 katao ang nailabas nilang ligtas mula sa pagguho ng gusali sa Bhiwandi.

Sinabi naman ni NDRF director general Satya Narayan, na gumamit na sila ng mga aso para matukoy ang kinaroroonan ng mga posibleng buhay sa insidente.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagguho.