-- Advertisements --
Nigeria Map
Nigeria Map

Umabot sa 13 katao ang patay sa pagguho ng three-story residential building sa Jos, Nigeria.

Ang nasabing pagguho ng gusali ay dahi sa walang humpay na pag-ulan sa lugar.

Dinala naman sa pagamutan ang pitong iba pa na nasugatan sa insidente.

Nangyari ang insident habang nasa trabaho ang mga residente kaya sila ay nakaligtas sa nasabing pagguho.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon dahil noong Marso ay 20 katao ang patay ng gumuho ang housing sa nursery at primary school sa Lagos, Nigeria.