-- Advertisements --

Tinatayang nasa 13 katao ang binawian ng buhay at maraming iba pa ang sugatan sa nangyaring pagguho ng pader sa pagsisimula ng Easer service sa isang Pentecostal church sa South Africa.

Ayon sa emergency services, nasa 29 katao ang isinugod sa ospital makaraang mangyari ang insidenteng naganap sa lalawigan ng KwaZulu-Natal.

Sinabi naman ng isang local police spokesperson, maaari raw na ang malakas na buhos na ulan sa lugar ang naging sanhi ng trahedya.

Bumigay ang nasabing pader sa pag-uumpisa ng nakatakdang weekend-long service para sa paggunita ng Easter Sunday.

Nitong araw ay nagsagawa ng special prayer service sa loob ng isang malaking tent sa harap ng simbahan. (BBC)