-- Advertisements --

Nasa 13 katao ang nasawi sa naganap sunog sa isang nightclub sa Murcia City sa Spain.

Nagmula ang sunog sa Fonda Milagros nightclub sa Atalayas area dakong alas-4 ng umaga.

Maraming mga biktima rin ang nasugatan na itinakbo na sa mga iba’t-ibang pagamutan.

Naniniwala ang mga otoridad na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasasawi dahil sa dami ng mga sugatang biktima na nasa malubhang kalagayan.