-- Advertisements --

Patay ang 13 katao sa Kenya matapos ang pagsabog ng truck na may kargang gasolina.

Nangyari ang insidente ng bumangga ang truck sa isa ng sasakyan sa may northwest Nairobi sa Kisumu ang border nila ng Uganda.

Bukod sa nasawi ay marami ang nasugatan na itinakbo ang mga ito sa pagamutan.

Mahigit dalawang oras bago nila tuluyang naapula ang nasabing sunog.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pagsabog ng truck na may kargang gasolina dahil noong 2009 ay aabot sa 100 katao ang nasawi dahil sa pagtaob ng isang truck na may kargang gasolina.