-- Advertisements --

Patay ang 13 Pakistani nationals kabilang na ang walong mga bata at apat na babae sa sunog sa isang sakahan sa Jordan.

Ayon sa civil defence department (CDD), tinupok ng apoy ang mga bahay ng mga manggagawa ng sakahan sa South Shouna ng west Amman.

Sa inisyal na imbetigasyon nagmula ang sunog sa pamamagitan ng electrical short-circuit.

Nagpaabot na ng pakikiramay sa mga kaanak ng biktima si Prime Minister Omar al-Razzaz.