Iniimbestigahan na ngayon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagtakas sa 13 detainees nito sa Pampanga kaninang madaling araw.
Naipabot na kay PDEA Director General Isidro Lapena ang insidente.
Batay sa report nagawang makatakas ng mga detainees sa mismong detention facility ng PDEA sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga.
Napag-alaman na nilagare ng mga preso ang isang bahagi ng kulungan at ng makabuo ng butas ay tumakas na ang mga ito.
Dahil dito nagdeploy na ng response team ang PDEA sa pamumuno ni Allan Lloyd Leano para tugisin ang mga nakatakas na preso.
Sa kabilang dako naka-alerto na rin sa ngayon ang mga pulis sa Pampanga, Tarlac at Bulacan para sa pagtugis sa mga nakatakas na detainees.
Idinispatched na ngayon ang lahat na PDEA agents sa region 3 para sa manhunt operations.
Habang ongoing sa ngayon ang imbestigasyon hinggil sa insidente.