-- Advertisements --

Nakabalik na ng bansa ang 13 buntis na pinay na siyang nakulong sa Cambodia dahil sa ilegal na pagiging surrogate mothers ng mga ito sa naturang bansa.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), napatawan ng parusa ang 13 filipina noong December 2 ng taong kasalukuyan dahil sa paglabag sa Suppression of Human Trafficking na batas ng Cambodia.

Dahil sa patuloy na effort at pakikipagugnayan ng ahensya ay nabigyan ng pardon ang mga ito at agad na pinalaya para sa kani-kanilang immidiate repatriation.

Nagpasalamat naman ang DFA sa pakikinig at paggawad ng pardon ni Haring Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni sa 13 pinay.

Samantala, nagpaabot din ng tulong o humanitarian treatment ang royal government ng Cambodia para samahan ang mga filipina sa proseso ng kanilang mga kaso.

Hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong insidente na may kinalaman sa iligal na surrogacy na kinabibilangan ng mga pinay ang naitala ng DFA.

Patuloy naman ang ahensya sa pagapapaalala na may mga bansa kabilang na ang Cambodia kung saan banned ang surrogacy at ang kahit sino mang lalabag ay mapaparusahan sa ilalim ng Cambodian law.