-- Advertisements --

Hinatulan ng apat na taon pagkakakulong ang 13 na Pinay na nagsilbi bilang surrogate mother sa Cambodia sa kasong cross-border human trafficking.

Maaalalang noong Setyembre ng mahuli ng mga awtoridad ang 20 Filipina na umano’y biktima ng surrogacy scheme kung saan 13 sa mga ito ay buntis.

Sa naging paglilitis ng korte sinabi nitong matibay ang kanilang ebidensya dahil umano ang 13 na buntis na Filipina ay may intensyon daw na ibenta ang mga sanggol kapalit ng malaking halaga na isa umanong ‘an act of human trafficking’.

Handa kasi umanong magbayad ang mga kliyente ng mga ito ng $40,000 hanggang $100,000 o katumbas ng P5.8 million na halaga sa mga babaeng makakapag dala ng kanilang mga anak.

Kaugnay nito pitong Filipina naman at apat na Vietnamese na hindi buntis ang napadeport na ng Cambodia.

Samantala, halos labing dalawang mga mga kababaihan na Cambodian ang inaresto noong isang taon matapos mahuling maging surrogate mother para sa mga kliyente nitong mga Chinese na kalaunan ay pinagbigyan ng korte na makapag piyansa dahil sa pangakong aakuin nila ang kanilang dinadalang mga sanggol.

Ayon sa mga awtoridad ang labis na demand para sa mga commercial surrogacy ay dahil daw noong ipatupad ng China ang kanilang ‘one-child policy’.

Dahilan para ma-ban ito noong 2016 na siya ring problema ng Thailand matapos maging talamak ang commercial surrogacy para sa mga taong umaasang magkaanak na karamihan daw ay mula sa Australia at United States.

Gayunpaman ay hindi naman nagbigay ng iba pang detalya ang mga awtoridad sa Cambiodia kung saan nila dadalhin ang mga sanggol kung sakaling manganak ang mga Pinay surrogate mother.