-- Advertisements --

PHILADELPHIA, Pennsylvania – Tanggal sa trabaho ang 13 police officers sa Philadelphia dahil sa racist at offensive post sa Facebook.

Maliban sa mga ito, 50 iba pa ang nasuspinde at ang iba ay nasermonan dahil sa kaparehong isyu.

Nabatid na nag-post ng mapanglait, racist at misogynistic comments ang nasa 300 aktibong pulis.

May ilan pang salita na tila nagmumungkahi ng karahasan.

“I continue to be very angered and disappointed by these posts. I’m saddened by the fact that there are even some who would attempt to justify such hate and vile behavior,” wika ni Police Commissioner Richard Ross.

Para naman kay Mayor Jim Kenney, malalim ang epekto ng simpleng post para sa mismong mga tao na dapat sana ay pinoprotektahan ng mga tauhan ng pulisya.