-- Advertisements --

Sugatan ang 13 miyembro ng Philippine Army 17th Scout Ranger Company matapos an sumabog ang gulong ng kanilang sasakyan sa Lamitan City.

Ang nasabing mga sundalo ay bahagi ng mga security ni Vice President Leni Robredro na dumalaw sa Lamitan City nitong Miyerkules.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, bigla na lamang sumabog ang harapang gulong ng kanilang KM450 vehicle na nagdulot sa pagkawala ng kontrol ng driver.

Dahil sa pangyayari ay nahulog ang sasakyan sa road canal ng Barangay Sengal, Lamitan City.

Dinala agad ang mga sugatang sundalo sa Lamitan district hospitals.

Dalawa sa kanila ang na-dislocate ang braso at balikat habang ang dalawa ay na-fracture ang ribs.