-- Advertisements --

Nasa 13 sibilyan ang nasawi sa isinagawang ambush ng security forces ng India sa estado ng Nagaland.

Bigla kasi pinaputukan ng mga nagpapatrolyang sundalo mula sa Assam Rifles isang unit ng Indian amry ang truck na lulan ng nasa 30 minero na pabalik sa kanilang trabaho ikinasawi agad ng anim na katao.

Nadagdagan pa ng pitong sibilyan at sundalo ng dahil sa pagganti ng mga residente doon.

Nagalit kasi ang mga residente ng mabalitaan ang insidente kung saan pinalibutan nila ang kampo ng mga sundalo at sinunog pa ang mga sasakyan at nakipagsagupa sa mga sundalo.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng counterinsurgency operations sa Oting village sa Mon district sa border ng Myanmar.

Sinabi ni Home Minister Amit Shah na siya ay labis na nalungkot sa pangyayari at tiniyak ang pagsagawa ng imbestigasyon.