CENTRAL MINDANAO-Nilamon ng apoy ang 13 stalls sa supermarket area sa syudad ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng City Fire Bureau na nagsimula ang apoy sa stall# 24 sa 2nd floor ng old building na pagmamay-ari ni Abdul Gapor.
Mabilis na kumalat ang apoy sa ibang pwesto lalo na yong mga nagtitinda ng tela at mga Ukay-ukay sa Martinez Street Supermarket area ng lungsod.
Agad namang nakapagresponde ang mga pamatay sunog kaya hindi na ito kumalat sa mga malalaking tindahan at bahay.
Tumulong rin para ma-apula ang apoy ang Chinese Fire Brigade,mga firetrucks mula sa kalapit bayan ng Maguindanao at BFP-BARMM.
Sinabi ni FO2 Aldrin Narra,tagapagsalita ng BFP Cotabato City na inaalam pa nila ang tunay na dahilan ng sunog habang humigit sa 400k ang mga ari- ariang nilamon ng apoy.
Matatandaan na noong araw ng Lunes pitong mga tahanan rin ang nasunog sa Upper Vitara Barangay Rosary Heights 10 Cotabato City.