-- Advertisements --

LAOAG CITY – Halos 20 katao ang nasugatan matapos nahulog sa sakahan ang sinasakyan nilang van sa Barangay San Roque, Paoay, Ilocos Norte, pasado alas-10:00 kaninang umaga lamang.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang pa-silangang direksyon ang van ay nag-overtake umano ito sa sinusundang sasakyan.

Posibleng nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng van kaya dere-deretso ito hanggang sa nahulog sa sakahan.

Napag-alaman na ang van na may plate number na WVX4922, ay galing sa bayan ng Pagudpud.

Dinala lahat ang mga hindi pa nakilalang biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.