-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nagpapagaling sa ngayon ang 13 mga pasahero na nasugatan matapos na bumaligtad ang isang truck bus na pagmamay-ari ng isang pribadong kumpanya sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ayon sa Traffic Investigator ng Polomolok PNP, nangyari ang aksidente dahil sa nawalan ng preno ang truck bus na sakay ang 36 na mga empleyado mula sa kanilang trabaho at nabangga ang isang delivery van sa bahagi ng national highway Crossing Palkan sa nabanggit na bayan.
Mabuti na lamang at pawang mga minor injuries lamang ang natamo ng mga pasahero.
Aakuin naman ng may-ari ng bus ang pagpapagamot sa mga pasyente na nasaktan sa nangyaring aksidente.