KORONADAL CITY – Sugatan ang 13 katao matapos masangkot sa vehicular accident ang tatlong mga sasakyan sa kahabaan ng National Highway, Purok 5 Luayan, Brgy. Dumadalig, Tantangan, South Cotabato.
Kinilala ng Tantangan MPS ang mga sugatan na sina Benjamin Ferrer, 57, married, residente ng Brgy. Dumadalig, Tantangan, South Cotabato at nagmamaneho ng isang tricycle na si Jonathan Daclis, 39, Koronadal, at driver ng Hi-Ace van.
Narito naman ang mga pashero:
⦁ Brayan Lozarita, 21 y/o Koronadal
⦁ Jasson Jun Magdael, 31 y/o Makilala, North Cot.
⦁ Ruth Baravilla, 22 y/o Esperanza, Sultan Kudarat
⦁ Bryan C. Ramos, 18 y/o Koronadal
⦁ Heraclene Laman, 19 y/o Esperanza, Sultan Kudarat
⦁ Imelda Vicente, 49 y/o Tantangan, South Cot.
Habang sugatan rin si Hadji Abdulsalam Abdulrahman Mohammad,Mamasapano Maguindanao na driver ng Mitsubishi Montero at mga sakay nitong sina:
⦁ Abdulrahman Akira Gampong,Datu Abdullah Sangki,Maguindanao
⦁ Aleya Malbel Mohammad,Datu Abdullah Sangki,Maguindanao
⦁ Jainab Barakat Usman,Datu Abdullah Sangki,Maguindanao
⦁ Norhata Saluag,Datu Abdullah Sangki,Maguindanao.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo kay, Manong George Medir, first responder sa nasabing aksidente, mabilis umano ang takbo ng Mitsubishi Montero na galing sa direkyon ng Koronadal patungo sa direksyon ng lungsod ng Tacurong nang biglang nag U turn umano ang tricycle na sinusundan nito.
Sinubukang umiwas ng Mitsubishi Montero ang Tricycle ngunit na sagi nya parin ito, matapos ang pagsangi ng Mitsubishi Montero, ay nawalan ito ng control at dumeritso sa kabilang linya at bumangga sa kasalubong nitong Hi-Ace Van na galing sa Tacurong City at patungong Koronadal.
Sa lakas ng impact at head-on-collision, yupi-yupi ang harapang bahagi ng Hi-Ace Van At Montero , basag rin ang salamin ng mga ito.
Mabilis namang nirespondehan ng mga otoridad ang mga sugatan at isinugod sa malapit na pagamutan.
Masuwerte naman walang namatay sa naturang aksidente at nagpapagaling na ang lahat na sugatan.