-- Advertisements --
Central Mali Map
Central Mali

Patay ang 13 sundalo ng France matapos ang pagbagsak ng sinakyan nilang dalawang helicopter.

Naganap ang insidente habang nagsasagawa sila ng operasyon laban sa mga jihadist sa Mali.

Kabilang sa mga nasawi ang anim na officers, anim na non-commissioned officers at Master Corporal.

Labis naman ang kalungkutan ni French President Emmanuel Macron dahil sa pangyayari.

Sinabi pa nito na namatay ang mga ito dahil sa paglaban sa mga terorismo kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.

Mayroon kasing 4,500 na sundalo ang France sa Mali mula noong ilunsad ang paglaban sa mga jihadist noong 2014.