CENTRAL MINDANAO- Umaabot sa labintatlong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers (BIFF) ang sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Diosdado Carreon na 13 BIFF ang sumuko sa tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion Philippine Army.
Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Ustadz Karialan sa ilalim ng Karialan Faction ng BIFF.
Sinabi ni 33rd IB Commander Lieutenant Colonel Elmer Boongaling na ang mga rebelde ay kumikilos sa mga bayan ng Shariff Aguak,Mamasapano,Rajah Buayan, Shariff Saydona Mustapha at Sultan Sabarongis Maguindanao.
Gusto na umanong magbagong buhay ng 13 BIFF at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang pamilya kaya naisipan nitong sumuko.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,mga bala,magazine at pampasabog .
Nagpasalamat naman si Ist Mechanized Brigade Commander Colonel Jesus Atencio sa mga lokal opisyal sa Maguindanao na tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng mga rebelde.
Makatatanggap ng tulong na pinansyal at livelihood assistance ang mga sumukong BIFF mula sa pamahalaan.