-- Advertisements --

palawan

Ligtas na narescue ng PNP boat ang 13 turista na naistranded sa sinasakyang motorized boat sa karagatan ng Palawan Linggo ng gabi.


Sa report ng PNP Command Center kay PNP Chief Gen. Debold Sinas nagkaroon ng engine trouble ang motorized banca na M/B JKJ kung saan lulan dito ang 12 turista.


Bukod sa nasiraan ng makina, nakakaranas din ng malalakas na alon sa may coastal waters ng Barangay Manalo at Barangay Maruguyon, Puerto Princesa City bandang alas-8:00 ng gabi nuong January 3,2020.

Galing umano sa Isla Puting Buhanginan ang banca ng masiraan ng makina.

Ang Police Patrol Boat 007,sakay ang mga tauhan ng PNP Maritime Group 2nd Special Operations Unit ang nag rescue sa mga naistranded na turista.

Nakilala ang mga narescue na turista ay ang mga sumusunod: Rolando Sta Maria, Phil Mesaje, Paul Catillo, Joy Villarias, Christian Zamora, Regie Camama, Ambocio Alolod Jr., Renalyn Monleon, Maricar Monleon, Raymond Evagelista, Ricky Doronilla at Joanna Mueden.