Nadagdagan pa ang mga pasahero sa cruise ship na Diamond Princess na kinapitan ng Wuhan coronavirus.
Nitong araw lumutang na 60 pang mga bagong kaso ang naitala sa loob ng naka-quarantine na barko sa karagatang sakop ng Yokohama, Japan.
Dahil dito, umakyat na sa 130 ang kabuuang mga pasahero at crew ang nahawa sa nCoV.
Sa ngayon binabalak ng gobyerno ng Japan na isailalaim na rin sa pagsusuri ang lahat ng umaabot sa 3,700 katao sa loob ng cruise ship, kabilang ang 2,600 na mga pasahero.
Apat naman na mga tripulanteng Pinoy ang nahawaan din ng deadly virus.
Kaugnay nito, tiniyak ng pamunuan ng Princess Cruises na ire-refund ang lahat na ginastos ng mahigit na 2,000 pasahero.
Kasabay nito, pinasalamatan din ng mga opisyal ang unawa at pasensiya ng mga ito dahil sa nangyaring pag-quarantine sa kanilang lahat sa loob ng barko.
“All monies paid to Princess Cruises including your cruise fare, round trip Princess Air, pre- or post-Cruise Plus hotels, transfers, prepaid shore excursions, gratuities and other items, and taxes, fees and port expenses will be refunded to the original form of payment,” ani Princess Cruises President Jan Swartz.