Aabot sa 1,300 na katao mula Eastern Myanmar ang tumungo sa Thailand matapos magkaroon ng putukan sa border town nitong Sabado, Abril 20.
Nagsimula ang putukan nang maglunsad ng pag-atake ang Karen guerillas laban sa mga sundalo na Myanmar na nakapuwesto sa 2nd Thai-Myanmar Friendship Bridge.
Ayon sa mga opisyal ng Thailand, Biyernes pa lang ay lumikas na ang mga taga-Myanmar sa Thailand.
Nagpaulan ng mga drone attacks ang Karen forces at ginantihan naman ito ng airstrikes ng mga militar ng Myanmar.
Sa isang pahayag ni Thailand Prime Minister Srettha Thavisin, sinabi nito na tinututukan na nila ang sitwasyon sa border ng Thailand. Handa raw silang protektahan ang border ng Thailand at ang seguridad ng mga residente nito. Handa rin daw ang kanilang pamahalaan na magbigay ng humanitarian assistance.