-- Advertisements --
Nasa 1,300 na preso ang pinakawalan ng Cameroon para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus dahil sa masikip na mga kulungan.
Ayon sa justice minister na 608 prisoners ang pinakawalan sa Doula at 700 dito ay mula sa capital city na Yaounde.
Pinirmahan na kasi ni President Paul Biya ang panukalang batas na pagpapakawala ng mga inmates.
Umabot na kasi sa mahigit 1,000 ang nadapuan ng virus habang mayroong mahigit 40 na ang nasawi matapos dapuan ng virus.