Umabot sa mahigit 1,300 katao sa United Kingdom ang sinabihang kinapitan umano sila ng COVID-19 ngunit lumabas na wala palang coronavirus ang mga ito.
Ayon sa British Department of Health and Social Care, ito raw ay dulot ng laboratory error sa NHS Test and Trace system ng pamahalaan.
“NHS Test and Trace has contacted 1,311 individuals who were incorrectly told that the result of COVID-19 tests, taken between Nov. 19 and Nov. 23, were positive. An issue with a batch of testing chemicals meant their test results were void,” saad sa isang pahayag.
“Swift action was taken to notify those affected and they have been asked to take another test, and to continue to self-isolate if they have symptoms.”
Batay pa sa pahayag, isolated lamang daw ang naturang pagkakamali at kasalukuyan nang iniimbestigahan.
Una nang inanunsyo ng US government na naglabas sila ng $9.31-billion pata sa kanilang COVID-19 testing at contact tracing system na parte ng pinalawak na mass testing program.
Ang NHS Test and Trace system sa Britanya ay umaani ng kaliwa’t kanang batikos matapos ang serye ng mga pagkakamali buhat nang ilunsad ito ngayong taon.
Noong Setyembre, halos 16,000 positive case records ang nawala mula sa system sa loob ng ilang araw, dahilan kaya na-delay ang contact tracing. (Reuters)