-- Advertisements --
Nag-anunsiyo ngayon ang American Airlines na aabot sa 13,000 manggagawa ang nakatakda nilang abisuhan na mawawalan ng trabaho bunsod ng matinding kalugian dala ng COVID-19 pandemic.
Ang American Airlines company ang itinuturing na world’s largest airline pagdating sa fleet size.
Sa sulat ng carrier sa kanilang mga kawani, mababa pa raw sa 45 percent sa first quarter ang magkakaroon ng operasyon.
Sinasabing lalong lomolobo ang pagsadsad ng mga kompaniya sa airline industry dahil sa kahinaan ng travel recovery.
Maging ang rollout ng COVID vaccines ay nagkakaroon din nang pagka-delay sa maraming mga bansa.