Umabot na sa kabuuang 132 local government units sa bansa ang napagkalooban ng “SubayBAYANI Awards” ng Department of the Interior and Local Government.
Ang pagkilalang ito ay ibinibigay ng ahensya para sa mga lokal na pamahalaan na nagpamalas ng good practice, innovation, at excellence sa pamamahala ng mga local infrastructure services at programs.
Ito ay pagpapamalas lamang ng positibong impact ng mga LGU sa kanilang mga residente at komunidad.
Mula sa naturang bilang ng mga awardees , siyam dito ang nakakuha ng award para sa overall top-performing LGUs.
Kinabibilangan ito ng Batangas, Occidental Mindoro, at Aklan para sa mga probinsya ; El Salvador City, Pasay City , at Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan para sa mga lungsod; at Pudtol sa Apayao, Buenavista sa Marinduque, at New Washington sa Aklan para sa municipalities category.
Binati naman ni DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ang mga awardees at hinimok na ipagpatuloy ang kanilang pagsisilbi sa kanilang mga komunidad.
Samantala, bawat rehiyon sa bansa ay nakakuha ng “SubayBAYANI Awards na binubuo ng tattlong probinsya, lungsod at bayan na mayroong total na 132 LGU sa buong bansa.