Aaabot sa 134 na mga batang biktima ang narescue ng Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) habang nasa 15 offenders naman ang naaresto mula Pebrero 2021 hanggang Marso 4 ng kasalukuyang taon ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ang Philippine Internet Crimes Against Children Center ay itinatag noong taong 2019 para malabanan ang tumataas na mga kaso ng online sexual exploitation ng mga bata.
Sa unang taon mula ng maitatag ang ahensiya, nasa 154 ang naisalba na mga biktima at 48 sexual offenders ang napanagot sa batas sa inilunsad na 52 operasyon mula noong Pebrero 27, 2019 hanggang February 26, 2020.
Ayon pa sa NBI, nasa kabuuang 238 victims naman ang narescue habang nasa 50 offenders naman ang naaresto mula Pebrero 2020 hanggang Pebrero 2021.