Aabot sa 134 human rights defenders ang napaslang magmula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Kaya ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman mahalagang maisabatas na rin ang Human Rights Defenders Protection Bill.
Sinabi ng kongresista, isa sa mga may-akda ng House Bill No. 9199, na umaasa siyang malalagdaan na rin ng Senado ang bersyon nito ng panukala pagsapit ng 18th Congress.
Nauna nang nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang nasabing panukala.
Hangad ng panukalang ito na bigyan ng katiyakan ang mga human rights defenders sa kanilang mga karapatan at kalayaan kabilang na ang karapatan laban sa vilification.
Inaatasan din nito ang mga otoridad na igalang, protektahan at sundin ang mga karapatan na ito ng mga nagsusulong sa karapatang pantao.